AGAD na ikinuwento ni Callen ang ilang eksena na naalala niya sa mag-amang Sebastian at Ian. Dumating din ang ama niya dahil tinawagan niya rin ito bago siya pumunta. Malakas ang pakiramdam niyang may alaala siyang nawala. Hindi naman iyon panaginip dahil gising siya. At sa tingin niya dahil iyon sa lalaking pulis na nakasalubong niya. “Is it possible, dad? Na may nawawalang memory kay Callen?” Lumingon pa ang kaibigang si Ian sa amang si Sebastian. “Yes. Depende sa na-intake na substance, at kung gaano ba ka lakas ang pagkap4lo sa ulo niya.” Tumingin sa kanya ang Ninong Sebastian niya. “Wala ka na bang ibang naalala that day maliban sa pagpalo sa ulo mo at pagpapainom ni Ines sa ‘yo?” Ang pagpalo sa ulo niya, ito ‘yong na-corner siya ni Ines, at tauhan nito ang may gawa. Ito lang ang