NAPASABUNOT si Callen habang nakatingin kay Asia na nasa sulok pa rin. Humihikbi pa rin ito habang balot ang katawan ng kumot. Hindi tumitingin sa kanya ang asawa. Lalo lang lumakas ang pag-iyak nito kaya nagpasya siyang lumabas na lang. Wala siyang ginawa sa labas kung hindi ang murahin ang sarili. Hindi niya maintindihan pero matindi talaga ang kagustuhan ni Asia na pigilan siya kanina. Hindi lang talaga niya pinansin. Pumunta siya sa minibar niya at doon sumimsim, hanggang sa maalala ang kasama nitong lalaki. Hindi niya ito kilala dahil ngayon lang talaga niya talaga ito nakita kaya wala siyang number nito. Kaya naman kinontak niya si Ezi para magpatulong alamin para makuha ang number nito. Lahat ng simcard dito sa Pinas ay naka-register sa totoong owner. Kung hindi man, agad itong n