Chapter 41 ANG buong akala ni Asia, babalik din agad si Callen. Pero hindi pala. Matagal siyang naghintay dito. Pabalik-balik nga siya sa labas para tingnan kung dumating ito, pero walang Callen na bumalik. Kaya sa sala siya nagpasyang maghintay kalaunan. Hindi niya akalaing makakatulog siya. Bandang alas-singko na nga ito nakabalik. “H-hindi ka sumama sa Kuya mo?” gulat na tanong nito nang maabutan siya sa sala. Nagising siya dahil sa marahas na pagbukas nito ng pintuan. Iniexpect siguro ni Callen na sumama siya sa Kuya niya dahil sa nangyari sa kanila. Umiling siya bilang sagot sa tanong nito. Papungas-pungas din siya ng mga sandaling iyon. Boses lang nito kasi ang nakilala niya dahil sa malabong paningin niya kanina. “We need to talk,” seryosong sabi niya kapagkuwan nang lumiwanag