“IKAW na babaita ka! Marami kang utang sa amzin!” Ngiti lang ang sinagot ni Asia sa kaibigang si Laura. “Yes! Super dami. Bakit hindi naman alam ito, huh?” Si Andrea. Si Lexxie at Dixxie, nakikinig lang sa kanila. Biglang nag-video call si Laura, tapos naki-join din ang tatlo. Pero ang dalawang iyan ang maraming katanungan. “Pagbalik ko na lang nga.” Kumamot pa siya sa batok niya. “Ang haba kaya ng kwento ko. Hindi ito matatapos ng 30 minutes lang. Okay?” “Promise ‘yan, huh?” Si Andrea ulit. “Opo.” “Good.” Pailing-iling na lang siya matapos na ibaba na ang telepono. Alam naman niyang alam na ng mga ito, pero siyempre, gusto pa rin marinig mula sa kanya. Napaangat siya nang tingin nang matanaw si Callen. Mukhang papunta ito sa gawi niya. Nakaupo siya noon sa gilid ng infinity poo