“BAKIT hindi mo dinala sa ospital si Callen? May saksak siya, a. Hindi mo ba nakita?” Nilingon siya ni Ian, may hawak ito sa kabilang kamay nito na phone. Napalabi siya nang mapagtantong naistorbo niya ito. “I did. Siya lang ang matigas ang ulo. Excited siyang kumustahin ka. So, sino ang sisisihin mo? Ako o ikaw?” May ngiti sa labi nito kaya alam niyang nang-aasar ito. “Ian,” “I’m serious. Malayo naman daw at kaya niya kaya. Pero nagpatawag na ako ng doktor. Are we good?” “Good.” Sabay talikod dito. “Concern ka pa rin sa kanya.” Nilingon ni Asia ang kaibigan. “Of course! I think nangyari ‘yon sa kanya dahil sa akin. May konsensya naman yata ako!” “Ow. ‘Yon lang ba?” “Ian!” “Alright! Wala na akong sinabi.” Nakaingos na tinalikuran niya ito. Late na pero wala pa rin si Leone ka