HINDI umimik si Asia matapos na marinig ang sinabi ng babae. Niyaya niya itong makipag-usap sa kanya sa may sasakyan. At hindi nga siya nagkamali nang hinala. Kinakasama ito ni Francis at may isang anak ang mga ito. Nakaramdam siya nang konsensya dahil sa nangyari sa kanila noon. Hindi niya iyon sinasadya. Mukhang naging third-party pa siya. At kaya siya nito kilala dahil bukambibig daw siya ni Francis. At siya ang dahilan minsan ng pag-aaway ng mga ito. Gusto raw makipaghiwalay ni Francis dito dahil sa kanya. “I-i’m sorry,” aniya, nagbaba din siya nang tingin. “Ayos lang, Miss Del Franco. Alam ko namang may boyfriend ka. At itong si Francis lang ang problema.” “Still, naging rason ako para pag-awayan niyo. Promise, hindi ako magiging problema sa inyong dalawa. N-na-curious lang ako