AGAD na pumasok si Callen sa elevator, at pinindot ang button kung saan naroon ang opisina ni Kana. May pa-urgent ito kaya wala siyang choice kung hindi ang puntahan ito. “I’m sorry sa rush na patawag ko.” Nakipagbeso siya kay Callen. “It seems urgent.” Tinuro ni Kana sa kanya ang sofa ng opisina nito. Pumunta siya doon at naunang umupo habang hinihintay ito sa paglapit. Nakatitig ito sa kanya nang maupo sa harapan niya. “We have a problem,” bungad ni Kana sa kanya kapagkuwan. “Speak.”Pinagkrus niya ang legs niya habang may iniisa-isa itong lagay na papel sa center table. Sunod nitong inilagay ang isang pamilyar na photo ng lalaki. Iyon ang lalaking kinontrata nila bilang Ismael. At dahil hindi naman siya pwedeng magpakilala sa madla bilang isang manunulat. Hindi naman kasi siya simpl