NAKANGITING pinagmasdan ni Callen si Asia na himbing na natutulog sa likod. Sinundo niya ito mula sa condo nito ngayon lang. Pwro dahil inaantok n raw ito ay pinatulog na lang niya sa likuran. Dalawang araw silang hindi nagkita dahil sa naging abala si Asia sa trabaho. Dalawang araw na nasa Davao ito kasama ang Kuya nito para sa isang business deal. Sinunod siya nito na maging abala muna sa trabaho nito dahil hindi pa sila maaring gumawa ng hakbang para sa next level ng kanilang relasyon. Hindi na rin nila naitago sa mga kaibigan ang namamagitan sa kanila. Although alam naman na ng mga ito, wala pa ring kumpirmasyon mula kay Asia. Ang dalaga lang talaga ang hinihintay nila. Nang marating ang haven niya ay masuyo niyang pinangko ang dalaga. Pero hindi pa man siya nakakalayo sa sasakyan na