TUMANGO si Lexxie sa kanya nang ikuwento ni Asia ang lahat dito. “Something is off. Hindi mo ba napapansin?” anito. Alam na niya iyan. Parang na-setup siya. After nilang mag-usap, tumawag ito kay Ian. Hindi na siya nagtaka kung bakit inagaw ni Callen ang telepono sa kaibigan ng mga sandaling iyon. Alam na rin pala ng mga ito na gumalaw na ang kalaban. Isa lang talaga ang pinaghihinalaan niya ng mga sandaling iyon. Si Inés. Hindi umalis si Lexxie sa tabi niya hangga’t hindi dumadating si Callen. Hindi na rin siya nagtaka nang makitang may mga nakasunod na security dito. Umuwi siya sa bahay nila dahil gusto siyang makausap ng Daddy at Mommy niya. Mahigpit na yakap ang binigay ng mga ito sa kanya pagkakita sa kanya. Nasa sala din ang Kuya Darryl niya, na noo’y seryoso lang habang nakasa