Makalipas ang apat na taon… Molveno, Italy “WHAT’S that?” Nag-angat si Asia nang tingin kay Leone nang makita ang envelope na inilpag nito sa batuhan. “Have you forgotten? 5 days na lang expired na ang visa mo. Kaya pinadala ito ni Tito.” “Plane ticket?” “Maybe.” Nagkibit balikat pa ito. Sinulyapan niya lang iyon. Binalik niya ang tingin sa running water. “Can’t I stay longer?” Bumuntong hininga ito. “Hindi pwede.” Sumimangot siya nang marinig ang sinabi nito. “I hate you,” sabi na lang niya. “Asia,” “What? Hindi niyo ba nakikita? Nag-e-enjoy pa ako dito. Akala ko ba gusto mo akong kasama?” “Yeah. Gusto ko. Pero hindi ka ba napapagod? Ginawa mo nang probinsya ang Italy. ” “Marami kaming pera. Kaya kahit saan ko gustong magpunta, ayos lang,” sagot lang niya. Napapikit si Le