Taas noong bumaba si Naomi sa kotse ni Henry ng magpark ito sa parking lot ng school. At gaya ng inaasahan niya, pinagtitinginan sila ng ibang mga estudyanteng nakatambay doon. Panay ang bulungan ng mga ito pati na ibat-ibang uri ng tingin na pinupukol sa kanya. Mga babaeng estudyante na halatang naiinggit sa kanya, mga tinging galit at animo selos na selos. At mga kalalakihang curious kung ano talaga ang meron sa kanila. Naglakad na sila ni Henry patungo sa kanilang first subject, lahat ng madaanan nila ay napapatingin sa kanila kaya naman sinamantala iyon ni Naomi. Nagkunyari siyang biglang nahilo, humawak siya sa ulo at bahagyang pinabuway ang paglakad. Agad namang to the rescue si Henry, inalalayan siya at nag-aalalang tumingin ito sa kanya. Kanya-kanya namang bulungan ang mga