Mga 9am ng umaga ng mag-aya na si Henry na magpunta sa isang mall. Nagtungo siya sa silid ni Naomi para sabihan ito na maghanda na. Nanibago siya dito dahil parang wala ito sa mood pero pumayag din naman. Tsaka siya masayang nagtungo sa silid ng asawa. " Carmela, ready ka na ba?" tanong niya dito,matapos kumatok sa pinto. Hindi ito sumagot bagkus binuksan nito ang pinto at lumabas. " Kanina pa ko ready, baka ikaw ang hindi pa ready diyan. Ni hindi ka pa nakabihis, bihis kana,una na ko sa baba." sagot nito, nasundan nalang niya ito ng tingin. " Hayyy,ang ganda-ganda talaga ng asawa ko. Para pa rin syang teenager, bagay na bagay sa kanya ang plane navy blue na hapit sa katawan na semi dress na suot niya,above knee,kaya naman kita ang maputi at makikinis nitong tuhod at binti. Lalo ya