Tumawag ng ambulance ang isang staff ng store, tinulungan naman ni Naomi at isa pang staff na maihiga si Carmela sa sofang nandoroon. Agad niyang tinawagan si Henry. Patay siya kapag may nangyaring masama sa babae. " Ano?! Sige,sige, pupunta na ako diyan!" nag-aalalang sabi ni Henry ng sagutin ang tawag niya at sabihin dito ang nangyari. Naiirita siyang napatingin kay Carmela. " Bwesit talaga itong babae na to! Paarte pa ei, ano naman kaya at nahimatay pa ito?! Ano dahil sa sobrang selos?" tila napipikon na sabi nito sa sarili. Bigla siyang napatayo ng makita si Henry, at agad na pinilit ang sarili na tumulo ang luha. " H-Henry! Si A-ate...." kunwa'y alalang-alala niyang sabi dito. Ngunit hindi siya pinansin nito, nilampasan lamang siya at agad na tinungo ang sofang kinaroroo