Kinagabihan,sabay-sabay silang nagdinner. Liban lamang kay Don Horacio na dumadaing ng panghihina,pero syempre nagkukunwari lamang ito. " Nasaan si Harold Ate Guada,bakit hindi natin kasabay kumain?" tanong ni Henry. " Naku,hayaan mo na ang batang iyon. Mas masaya yon na kasama ang gitara niya sa kwarto kesa makasabay akong kumain." sagot ni Guada na may himig na pagtatampo. " Kumain ka lang ng kumain Naomi, wag kang mahihiya." sabi naman ni Carmela kay Naomi, napansin niya kasi itong tila nahihiyang makasalo sila. Ngumiti naman ito sa kanya. " Ang daya naman, wala manlang nagmagandang loob na ipatawag ako sa kwarto para makasabay ako sa dinner." sabi ng kadarating lamang na si Harold. " Oi, andito pala ang gwapo kung pamangkin. Lika ka na kumain kana rin." sabi ni Henry sa ka