Napahinto si Carmela ng tumapat siya sa may pintuan ng kwarto nila ni Hector, ngiti sa labi ni Henry ay agad na napalitan ng lungkot. Mababanaag ang pagbahid ng sakit sa mata niya ng makitang tulalang nakatingin si Carmela sa dating kwarto nila ng kanyang Kuya Hector. At lumapit ito doon at tuluyang pumasok sa loob, nais sana niya itong tawagin ngunit hindi niya magawa. Kaya ang ginawa niya ay pumasok na lang din sa loob ng kwarto niya. Itinabi niya ang maleta nila at tsaka tila napapagod na padapang humiga doon. Nahawakan niya ang dibdib dahil sa tila sobrang sakit ng nararamdaman niya sa kanyang puso. Nagseselos siya sa kanyang Kuya Hector. Alam kasi niyang may pagtingin pa rin dito si Carmela kahit pa paulit-ulit nitong sabihing siya na ang mahal nito. Sa pagpasok ni Carmela sa