Nang matapos magkasundo ang dalawang panig, umuwi na rin sina Henry at Carmela. Nag-aalala kasi si Henry na baka mapano ang baby nila lalo pa at napagod si Carmela sa pagpunta sa kanya. Nanghingi naman ng paumanhin sa kanya ang dalawa niyang nabugbog at mga kasama nito. Buti naman narealize din ng mga ito ang kanilang kamalian. Si Naomi naman na noo'y patungo sa kanilang class room para sa isa pa nilang subject. Inabangan ng mga estudyanteng napagsabihan nito ng masama kanina. " Hmm! Girls! Andito na si Miss felingerang palaka! Na kesyo girlfriend daw ni Henry! Huh! Ang kapal talaga! Pati tayo nauto ng haliparot na to!" galit na parinig ni Lovely Lachica, isa sa classmate nila ni Henry. " Ang kapal talaga! Walang binatbat ang nerd na to sa WIFE ni Henry no! Sobrang ganda na,mabait