Kinabukasan... Masayang mukha ng mag-asawang Henry at Carmela ang makikita sa labas ng bahay. Nakaakbay si Henry asawa habang nagkukwentuhan ang dalawa. Papasok na kasi si Henry at inihatid ito ni Carmela sa may gate, ngunit may inuungot ito sa kanya. " Sumakay ka na nga. Ikaw puro ka kalokohan." natatawang sabi ni Carmela kay Henry. " Meh naman ei, sige na sumama kana please. " muli nitong sabi sa asawa. " Deh, ano namang gagawin ko sa school nyo? Isa pa,hindi ka ba nahihiya na malalaman nila na may asawa kana pala at mas matanda pa sayo? " sagot niya dito. " Ayan ka nanaman Meh, sabi ko sayo ikaliligaya ko kong malaman ng buong mundo na may asawa akong napakaganda. Tsaka dito ka lang naman sa kotse ei, babalik din agad ako para makapamasyal tayo. Yong tayong dalawa lang. " pa