Chapter 41 "Hija kumain ka pa ng kumain.." Nahihiyang napangiti si Jaira kay Mrs.Alime Hoffman ng lagyan pa nito ng kanin ang plato niya They were having a special dinner with Jacob's parents. Tuwang tuwa ang mga ito nang makita ang kambal niyang mga anak. Halos mag-iyakan pa ang mag-asawa sa sobrang kaligayahan. Para daw nilang nakita ang baby version ni Jacob noon. "S-Salamat po" Pasasalamat niya sa ginang. Naninibago siya dahil maganda ang pakitungo ng mommy ni Jacob sakanya kumpara sa pakitungo sakanya ng mommy ni Miguel. Noon kasing nagdinner sila kasama ang ang pamilya ni Miguel ay sinabuyan pa siya ng tubig sa kanyang mukha ng impaktang nanay ni Miguel Kaya tuloy naninibago siya sa pakitungo ni Mrs.Hoffman sakanya. Alam naman niyang napakabait talaga nito noon pa man "Kamust