Chapter 22 "Mom She is Jaira my girlfriend. Natatandaan mo ba siya?" Nakayuko si Jaira ng husto habang nasa harap siya ni Mrs. Alime Hoffman. Hiyang hiya siya sa nadatnan nitong sitwasyon nila ni Jacob. Ciento Porsyento siyang nakakasigurado na hindi nito nagustuhan ang nadatnan nito Sino ba namang magulang ang matutuwa kung madadatnan mo sa condo ng iyong anak ang isang babaeng nakahubot-hubad sa kama nito at para pang binagyo ang buong kwarto ni Jacob "G-Girlfriend? Oh wow. Beautiful name. Jaira? Hindi ko siya natatandaan anak. Hindi ko naman kasi makita ng maayos ang kanyang mukha. Bakit ka ba kasi nakayuko ng husto hija?" Napasinghap siya ng magsalita ito. Alam ni Jaira na mabuting tao talaga si Mrs.Hoffman mula pa noon. Binibida pa nga ito sakanila ng kanyang mga magulang na nap