Chapter 23 "Bianca Calm down.." "No Jacob! Niloloko ka ng babaeng to. Nakikipag-date siya sa iba. I saw it! They kissed--" "It's no big deal. She's not my real girlfriend" Dahil sa sinabing iyon ni Jacob, doon palang natigilan si Bianca sa pag-eeskandalo nito sa loob ng isang high class restaurant. Ang buong akala kasi nito ay niloloko niya si Jacob. "W-What do you mean?" Tila nagtatakang tanong nito bago dahan dahan siyang binitawan. Bumakat pa yata ang kuko ni Bianca sa kanyang balat. Medyo mahapdi kasi ang braso niyang hinawakan nito ng mahigpit kanina. Kung makapag-react ito ay para bang may iba pa itong ikinagagalit sakanya. Binalewala niya lang ang kirot na dulot ng mahahabang kuko ni Bianca sa kanyang braso. Dahil mas mahalaga sakanya ngayon kung anong ginagawa ni Jacob at Bi