Chapter 28 "Tulog na ba?" "Hindi pa. Gising pa siya baby" Mahinang sagot niya kay Jacob habang kausap niya parin ito sa cellphone niya "Ang tagal naman matulog ng kapatid mo" "Kaya nga. Nakakaramdam siguro." Bumuntong hininga ito sa kabilang linya kaya napahagikgik siya. "Hayaan mo na. Ilang araw lang naman tayo rito sa probinsya namin. Tiisin mo nalang muna na hindi mo ako katabi matulog" Pang-aasar niya pa kay Jacob "I can't. Nasanay nako na katabi kita palagi. At hindi ako makatulog hangat hindi kita naaangkin" Mahina lang rin ang boses nito habang kausap siya. Nagiging malambing tuloy lalo sa kanyang pandinig ang baritonong boses ng binata. Kinikilig siya. Napakagat labi siya "Ngayon lang naman." "Jaira.. Please takas ka? I'll wait for you kahit anong oras" Napahagikgik siya