Chapter 27 "Sir Jacob? Ano hong ginagawa niyo rito?" Bakas ang pagkagulat ng nanay ni Jaira nang pagbuksan nito ng pinto ang anak ng dating amo nito. Wala itong ideya kung anong ginagawa ng isang Jacob Riel Hoffman sa munting bahay nila "Good evening po Aling conching" Magalang na pagbati ni Jacob sa kanyang ina habang nasa likuran siya nito. Hindi pa siya napapansin ng kanyang nanay dahil nabigla ito sa pagbisita ni Jacob Hawak hawak ni Jacob ang kanyang kamay na medyo nanlalamig. She's finaly home. Naroon sila ngayon sa kanilang probinsya dahil iyon ang gusto ni Jacob. Pagkatapos niyang mag resign sa RAG bilang rented girlfriend ay inayos agad ni Jacob ang schedule nito para makapunta sila sa kanilang probinsya. He wants to settle everything. Nais nitong tubusin ang lupain ng kanyang