Chapter 26 Panay ang pagtingin ni Jacob sa kanyang cellphone dahil inaantay niyang mag-reply si Jaira. Ngunit mag-aalas kwatro na ng hapon ay hindi parin ito nagrereply. He informed his secretary to cancel all his remaining appointments today. As he expected, wala pang ilang segundo ay nagmamadaling pumunta agad ang kanyang secretary sa kanyang opisina. "Sir Jacob are you sure cancel nanaman po ang meeting with Mr.Chua?" Nag-aalalang tanong nito nang makapasok ito sa loob ng kanyang opisina "Yes" Tumayo siya at kinuha ang kanyang business suit na nakasabit sa sabitan ng kanyang mga coats. "But Sir--" Tutol nito. Dahil ikalawang beses na niyang pinagliban ang meeting niya with Mr.Chua kaya paniguradong magagalit na ito. "Cancel it" Final niyang desisyon. Alam niyang malaking investor