Chapter 15 "Ma'am Jaira kanina ka pa tulala? Ayos ka lang ba?" Marahan na tinapik ni Lizel ang balikat ni Jaira habang tulala siyang nakatingin sa screen ng kanyang cellphone "H-Ha? Oo ayos lang ako. Marami lang iniisip" Sagot niya kay Lizel. Isa ito sa mga service crew ng fast food chain na pinagtatrabahuhan niya bilang branch manager. "Sure ka ma'am ha? Parang out of this world ka kasi mula kaninang umaga pa eh" May pag-aalala parin sa tono ng boses ni Lizel Ngumiti siya ng isang tipid na ngiti upang pawiin ang pag-aalala nito sa ikinikilos niya buong araw. Pansin rin naman niya sa sarili niya na lutang talaga siya sa araw na iyon. Mula kaninang umaga niya pa kasi hinihintay ang mga text at calls ni Jacob. Hindi man lang ito nag text o nagtangakang tumawag sakanya buong araw. Mara