Chapter 14 Napahilot sa kanyang nuo si Jacob pagkatapos niyang ibaba ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang office table. Hindi niya maiwasan mainis dahil nakakailang missed calls na siya kay Jaira ay hindi pa nito sinasagot miski isa sa mga text and calls niya. Simula noong ihatid niya ito sa boarding house nito noong sunday ng gabi, dalawang araw na itong hindi nagpaparamdam sakanya. Pinuntahan niya ito kaninang umaga sa boarding house nito ngunit walang tao. Naghintay pa nga siya ng ilang minuto dahil baka natutulog pa ito. Ngunit kahit ang roomate nitong si Mayla ay mukhang wala rin doon. Ilang beses ng tinatawagan ni Jacob si Jaira ngunit panay lang ang pagtunog ng cellphone nito. Hindi man lang ba ito makikipag-usap sakanya? "Sir Jacob this are the files of UMBD." Kung hi