Chapter 13 "Sa tingin ko may gusto sayo si Bianca" Napalingon si Jacob sakanya ng sabihin niya iyon. Kasalukuyan silang nakatunghay sa napakagandang street lights ng Makati City sa itaas ng roof top kung saan siya dinala ni Jacob para sa kanilang dinner date Isa iyong Italian Restaurant na mayroong masasarap at magandang overlooking view sa roof top ng building nito. Kakatapos lamang nilang magdinner kaya't naisipan ni Jacob na yayain muna siya sa itaas ng rooftop upang magpahangin doon. Naparami rin kasi ang nakain nila. Kakatayo palang nila sa bandang dulo ng rooftop kung saan wala gaanong customer ang tumatambay. Sa bandang gitna kasi may mangilan-ngilan na customer ang nagpapalitrato sa likod ng magandang view "Paano mo naman nasabi?" kuryosidad na tanong ni Jacob sakanya. Alam