Chapter 12 Isang 'cute hanging yellow slightly crop-top blouse' ang napiling suotin ni Jaira sa araw na iyon. Tinernuhan niya lang iyon ng kanyang maong na pantalon (Skinny jeans) at ang kanyang paboritong white rubber shoes na donated sakanya ni Mayla. Her roomate always gave her a lot of things. Lalo na ang mga pinagsawaan na daw nitong damit at sapatos. Minsan nga nagtataka na si Jaira kung bakit ganoon nalang magtapon at mamigay ng mga gamit ang roomate niya. Hindi naman siguro ito mayaman dahil nag titiis nga ito sa boarding house nila sa loob na halos ng anim na buwan Kaya't impossibleng mayaman ang kaibigan niya. Nagpapasalamat nalang siya dahil nabibigyan siya nito ng mga gamit na kailangan niya. She's the best. Kahit naman siguro hindi siya bigyan ng materyal na bagay ni Mayl