Nang marinig lahat ng suhestyon at opinion ng magulang ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Keane. Kaagad syang umalis sa mansion upang balikan si Alyana sa bahay nila para ipaliwanag ang kanyang side. Kahit na may pag-aalinlangan kung matatanggap pa sya nito sa kabila ng lahat ng nagawa nya ay kailangan pa rin nyang kumilos para hindi muling mawala ang babaeng mahal nya. Kung hindi lang sya nalito sa nararamdaman nya ay hindi sana aabot sa ganito. Damn! Hindi sya makapag decide nung una dahil sa hindi sya maaaring magdesisyon hangga't hindi nya muling nakikita ang first love nya. Hindi nya matimbang sa sarili nya kung sino talaga ang mahal nya sa dalawa kaya hindi nya pinahalagahan ang nararamdaman ni Alyana. Pero ngayong alam na nya ang lahat ay gagawin nya ang lahat para mapatawad sya n

