After almost four years... Mabilis na lumipas ang halos apat na taon at naging maayos ang pamumuhay ni Alyana kahit wala si Keane sa tabi nya. Hindi na nya muling nakita ang binata o asawa nya at wala na din syang naging balita dito buhat ng makausap nya ito sa cellphone noong panahong nakapagdesisyon na syang lumayo dito dahil sa isang dahilan. Wala naman syang pinagsisihan sa naging desisyon nya at naging maayos ang lahat sa kanya dahil sa pagsama nya kay Kenken. Lahat ng bagay ay itinuro sa kanya ng binata at lahat ng pangangailan nya ay binigay nito. Magkasama sila sa iisang bahay o matatawag na nyang mansion dahil sa laki niyon. At nagbuhay prinsesa sya sa piling nito dahil sa ayaw sya nitong pagtrabahuhin pero nagpumilit sya. Nakapagtapos na din sya ng pag-aaral at mayroon na din sy

