SEVENTEEN: "I'll give this case a success." "YOU may now take your recess." Masaya sa paglabas ang mga kaklase ko kasama ng kanya-kanya nilang grupo ng mga kaibigan at tumakbo papuntang canteen. Nagtatawanan sila't nagkukuwentuhan. Ako nama'y mag-isang lumabas dala-dala ang bag ko tapos naupo sa bench sa labas ng classroom namin. Oo, isang buwan pagkatapos mawala si ate Gia, nagpatuloy ako sa pag-aaral. 4th year high school na 'ko ngayon at tinutulungan ako ng mga sisters sa pag-aaral ko. No'ng una nga'y ayoko sanang mag-aral at wala akong kagana-gana. Para saan pa't wala na ang mga taong gusto kong pag-alayan ng pagsisikap sa buhay ko. Wala na si papa, iniwan na rin ako ni ate Gia, at wala na akong pakialam kay mama. Ngunit naisip ko, gusto kong mapagbayad balang araw ang mga taong n