CHAPTER 16

1542 Words

SIXTEEN: "Wala kang puso!" "ANONG ingay iyon, Nicole? Sinong sumisigaw?" kaagad na dalo ni sister Dayana dito sa kusina. Hindi ako nakasagot. Tahip-tahip lamang ang kaba habang tinitingnan kung saan nanggaling ang sigaw. "Si sister Feli iyon, sister Dayana. Sa kwarto ni Gia nanggaling 'yong sigaw." ang kasama kong sister ang sumagot sa tanong ng nauna. Hindi na ako naghintay pa ng sunod na sasabihin nila, basta na lamang akong tumakbo papunta sa kwarto ng kapatid ko. "Ate Gia!" parang maiiyak na ako. Sana naman ay walang masamang nangyari... Sana'y walang masamang nangyari. "Nicole, hintayin mo kami." sumunod na si sister Dayana at iba pang mga sisters sa likuran ko. Nakabukas ang kwarto kaya kaagad akong pumasok. "Sister Feli, ano pong nangyayari?" tanong ko sa umiiyak na sister.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD