Chapter Ninety ILANG ARAW ang lumipas. Wala pa rin akong balita sa kalagayan ni Typhoeus. Habang tumatagal ay mas lalo akong nag-aalala sa kanya. Wala man lang din akong ibang magawa kundi mag-alala dahil hindi na rin ako puwedeng dumalaw sa hospital. Tulala kong pinagmamasdan ang kwintas na binigay sa akin ni Typhoeus sa leeg ko habang inaalala ang mga masasayang nangyari sa amin, hanggang sa huling araw na nakita ko siya. Parang gusto ko na namang sisihin ang sarili ko. “Bakit ba umabot kami rito?” naiiyak na tanong ko sa sarili. Napatingin ako sa phone ko. Inilagay ko ito sa contacts at tinitigan ang number ng mga kakambal niya. Sinubukan ko silang i-message pero walang sumagot sa akin. “Kung tawagan ko na lang?” tanong ko at agad itong kinuha. Susubukan ko na sanang i-dial pero