Chapter Ninety Four KUNOT-NOO akong nakatingin kay Sir Cameron mula sa malayo habang siya ay nakasandal sa balcony hawak ang tasa. “Ano ba kasing balak niya sa ’kin?” nagtatakang tanong ko sa sarili. Hindi man lang niya ako pinapagalaw sa kanyang mansyon. Kahit ang ibang maid dito kapag gusto kong tumulong, hindi rin nila ako pinapayagan. Baka raw kasi malagot sila sa kanya. Gawin ko lang daw kung ano’ng pinapatrabaho ni Sir Cameron. Kaya naguguluhan ako, kasi ang sinabi lang niyang magiging trabaho ko ay ngumiti ako sa kanya at pasayahin siya. Napaka-weird niya, hindi ko siya maintindihan. “Naiinip ka na ba?” Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Mr. Hans. Lumapit siya sa akin at tumingin din sa direksyon kung nasaan ang amo niyang d*monyito. “Kayo po pala,” saad ko