Chapter Thirteen Tumingin-tingin ako sa mga bagay na nasa paligid. Tanging kalsada lang at mga puno ang nakikita ko. Naghanap ako ng signage para malaman kung nasaan ako pero wala man lang nakalagay na kahit isa rito. Mukhang iniwan nila ako sa kawalan. Hindi ko mapigilang mapaiyak at mapapadyak sa lupa dahil sa sobrang inis. Wala man lang akong ni isang dala rito. Paano ako makakabalik? “Huwag kang mawalan ng pag-asa, Aina, makakahanap ka ng paraan. Tiwala lang,” sabi ko sa sarili. Pinunasan ko ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Hindi ko na iisipin kung sino ang gumawa nito dahil alam kong si Hana ’yon. Kahit noong highschool ay malala na talaga siya. Naalala ko pa noong naglaban kami sa pageant. Pinasira niya ang damit ko at ng ila