Chapter Ninety Seven Ilang oras ang lumipas. Alas-dose na ng gabi. Gagawa na sana ako ng tulog pero bigla akong napadilat nang tinawag ako ni Sir Cameron. “Istorbo,” mahinang bulong ko sa sarili habang nakakunot ang noo. Bumangon ako at lumapit sa kanya. Bahagya akong napahikab at halos namimikit na dahil sa sobrang antok. Inayos ko muna ang reaksyon ko dahil gusto niyang lagi akong masaya kapag nakikita siya kahit ang totoo ay sukang-suka ako sa pagmumukha niya. “May iuutos po ba kayo?” tanong ko. “Nothing. I just wanna ask you something,” saad niya na may kuryosidad. “Ano po ’yon?” nagtatakang tanong ko. “Hmm. What are my traits that you can like about me?” may kuryosidad na tanong niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Ganitong oras magtatanong siya ng ganyan? At saka sob