Chapter Ninety Six “Seriously, Son? Pumatol ka sa ganyang klaseng babae?” hindi makapaniwalang tanong ni Madam Cathleya at tiningnan ako na may halong pandidiri. Napasapo na lang ako ng noo at bahagyang umiling-iling. Nandito na naman ako sa drama ng mga Montero. Akala ko, sa sextuplets lang ako mai-stress sa panghuhusga sa akin, dito rin pala. Hindi naman na nakakapagtaka, nasa mansyon ako ni Cameron Montero kaya ano pa nga ang aasahan ko? Sa ugali pa lang niya d*monyito na, ’yung Nanay pa kaya niya? “And so?” sarkastikong tugon ni Sir Cameron. Napatingin ako sa kanya. Kahit pala Mama niya, hindi rin makakatakas sa pagiging Brat ng lalaking ito. “Don't act like you're really concerned with me,” dugtong niya. “But it is, son,” malungkot na sagot ni Madam Cathleya. “Well. Kung to