Chapter Sixty Two “A-aray, Typhoeus! Medyo nakakaladkad na ako,” daing ko habang dali-daling sinusundan ang malalaki at mabibilis na hakbang niya. Medyo hinihingal na ako kakasunod sa kanya. Nakalimutan niya siguro na may hinihila siya. Napahinto siya nang makarating kami sa kanyang kuwarto. Lumingon siya sa akin at walang emosyon niya akong tiningnan. “May kailangan ka bang sabihin sa akin?” Natigil ako nang marinig ang tanong niya. Malalim akong napabuntonghininga at dahan-dahang tumango. “Oo,” sagot ko. “What?” tipid na tanong niya. “I love you,” sagot ko habang seryosong nakatingin sa kanyang mga mata. Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang marinig ito. Nakita ko rin ang pamumula ng kanyang tainga. “I-I know, and I love you more…” Bahagya siyang napapangiti pero pinipigi