Chapter Eighty Two Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang itinitingnan si Typhoeus. Kinakabahan ako sa gagawin niya. Inaamin ko, gusto ko ring ipakilala niya ako sa kanila bilang girlfriend pero naiintindihan ko naman kung bakit hindi puwede lalo na kapag naiisip ko ang nangyari kay Don Montero noong nakaraan sa mansyon. Napatingin ako sa babaeng kasama niya. Napakaganda nito at base sa sinabi ng Lolo niya, mula ito sa isang kilalang pamilya. Ganitong klaseng babae ang gusto niya para kay Typhoeus. Samantalang ako… “Yes, I’m proud of her,” seryosong sabi ni Typhoeus at tumingin sa direksyon ko. “But she’s busy with her work,” dugtong niya. “Oh? Really, huh?” nakangising sambit ni Cameron at sinilip din ako ng tingin. Mariin akong napakuyom ng kamao. Kung puwede ko lang siyang suntu