Chapter Eighty One DALAWANG ARAW ang nakalipas. Hindi pa masyadong magaling si Typhoeus pero puwinersa niya agad ang sarili na mag-review. Hinayaan ko na muna siyang mag-focus sa pag-aaral, pinapaalala ko na lang sa kanya ang pag-inom ng gamot. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa cafe. Wala rito si Cameron kaya walang buwisit sa araw ko. Tumigil muna ako sa paglilinis. Kinuha ko ang aking phone para i-chat si Typhoeus at ipaalala ang gamot niya, baka sa sobrang focus ay makalimutan niya ito. Mabuti nang sabihin ulit para sigurado. Huminga ako nang malalim nang maalala na hindi ko pa rin nasasabi sa kanya na si Cameron na ang bagong may ari ng cafe. Sa susunod na lang, kapag wala na siyang masyadong iniisip. “Miss!” Napalingon ako sa tumawag. “Puwedeng pakilinis nitong table namin.