Chapter Twenty Seven “Hi, Miss Aina!” masiglang bati ni Ma’am Veronica sa akin. “H-hello po, Ma’am.” May pagdadalawang-isip na sagot ko at bahagyang kumaway. “W-what the hell are you doing here?” gulat na tanong ni Sir Tylor sa kanya. “Miss ko na kasi ang future husband ko, kaya sumunod ako,” nakangusong sabi ni Ma’am Veronica habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo niya. “Na-miss mo rin ba ang maganda mong fiancee?” Ngumiti siya at nagpa-cute kay Sir Tylor. “No, and that will never happen,” inis na sagot nito. Tulala akong lumingon-lingon sa kanila at napahawak sa aking noo. Sa anim pa lang, malalang sakit sa ulo na ang nakuha ko, tapos sumunod pa si Ma’am Veronica rito. Hindi ko talaga alam kung magandang ideya ba talaga na nandito sila. “Hmm. Actually, nasa bahay si Tito Matt