Chapter 39 Mahimbing ng natutulog si Jinso. Nahirapan siyang patulugin ito dahil nag-iiyak ito simula ng umuwi si Song-Jin. Pina-uwi niya kasi ito dahil hindi na ito maaring makitulog sa kanilang bahay. Maganda na ang panahon at wala ng rason para patulugin niya pa ang lalakeng iyon sa kanilang bahay Malungkot itong umuwi. Nalungkot rin siya ngunit hindi niya iyon pinahalata. Mabuti na ang maging malinaw dito na hindi na sila muling magiging katulad noon. Ngunit hindi siya makatulog Ilang oras pa lamang itong nakakauwi ay tila namimiss na niya ito. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Nagdedelikado na ang kanyang puso. Muling binubuhay ni Song-Jin ang pag-ibig na matagal na niyang nais kalimutan Hinaplos niya ang buhok ng kanyang anak habang mahimbing itong natutulog. Kamukhang kamukh