Chapter 38 "Mommy!" Sinalubong ni Aliah ng yakap si Jinso ng lumabas ito mula sa classroom nito kasabay ng mga kinder garden students. Sakto kasi paglabas niya sa convenience store kung saan niya iniwan si Song-Jin at Arlene ay binuksan na ng mga guardiya ang gate ng daycare center "Hello Anak" Hinalikan agad niya si Jinso sa pisngi nito "Hi Ms.Gomez" Napaangat agad ang tingin niya kay teacher Leo. Ang lalakeng teacher nila Jinso. Heartrobe ito sa daycare center at halos lahat ng mga teachers doon at ibang babaeng parents ay nagkakagusto sa binata He's handsome but not too much. Hindi ito papasa sa standards niya dahil simula ng makilala niya si Song-Jin ay naging napakataas na ng hinahanap niya sa mga lalake Lalo na sa physical na anyo. Dahil tama si Arlene, Nakay Song-Jin na nga