Chapter 8 Napalunok si Aliah ng tatlong beses ng maabutan niya si Song-Jin na nakaupo sa isang blue leather couch paharap sa pintuan ng kanilang bagong tahanan. Nagulat pa siya ng magkasalubong ang kanilang paningin. He was looking straight on her with his eyebrows frowned in anger. Halatang galit ito sakanya kahit hindi pa man ito nagsasalita. Ginabi na kasi siya ng uwi dahil nagyaya pa si Atty. Jacob na manuod sila ng last full show sa mall na kanilang pinuntahan pagkatapos ng walang kwenta nilang kasal ni Song-Jin Hindi niya akalain na hinihintay siya nito. Ang buong akala ni Aliah ay wala pa ito sa kanilang condominium at baka kasama pa nito ang babaeng koreana na kasama nito kaninang umalis. Malay niya bang nasa bahay na ito. Halos mangalahati na rin ang isang bote ng red wine n