Chapter 7 Pinagkatitigan ni Aliah ang isang puting wedding dress na ini-abot sakanya ng koreanang babae sa salon kung saan siya naghahanda para sa kanilang kasal na gaganapin sa gabing iyon. Kakatapos lamang siyang ayusan ng mga ito. Dinala siya ni Jacob sa isang sikat na salon sa korea. Wala na sa trabaho nitong gawin iyon ngunit nagbolontaryo itong samahan siya at hindi daw ito papayag na tangihan niya ang munting regalo nitong iyon para sa kanya. Todo ang pagtangi niya sa alok ni Jacob kanina ngunit napilit parin siya nito. Halos paliguan siya ng gatas ng mga koreana ng ipagawa ni Jacob ang full body spa sakanya at todo ang ginawa ng mga ito pagpapalambot ng kanyang mahabang buhok. Light makeup lamang ang nilagay ng mga ito sa kanyang mukha na bumagay sakanyang mala-anghel na kaga