Chapter 10: Intense! Ilang beses na akong nagpabalik-balik sa kwarto dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong kausapin si Elton kasi kailangan ko siyang papuntahin dito lalo na at mukhang walang balak sila mama na patawarin ako hanggang hindi ko siya dinadala rito. But on the other hand, nahihiya akong tawagan siya lalo na kapag naaalala ko ang nakakahiyang nangyari sa amin kagabi! Ano ba kasing nasa isip ko at hinalikan ko siya? Oh gosh! Bakit ba kasi naisipan ko siyang halikan? At bakit ba naisip ko na sabihin kila mama nang lasing ako? What I did was really sobrang nakakahiya! Bumuntong-hininga ako at saka kinuha ang phone ko na nasa ibabaw ng side table. Idi-nial ko ang number ni Tiarra at kaagad iyong itinapat sa aking tenga. "Tiarra! Kailangan ko ng tulong mo. Gusto ni