Chapter 23: Call. Tanga ba ako para maniwala kay Elton? Oo, tanga na nga kung tanga pero naniwala ako sa kaniya kahit pa pwedeng nagsisinungaling na naman siya sa akin. Hindi ko alam kung totoo nga bang naakit ko siya sa lahat ng mga nagawa kong palpak but still, kinilig ako nang bongga sa mga sinabi niya sa akin. Walang humpay pa rin ang pagtetext sa akin ni Tiarra kahit na nakauwi na ako sa bahay. Ayaw ko naman talagang sagutin ang text niya pero kung si Elton nga na tunay na may kasalanan sa akin, napatawad ko at nabigyan ko ng chance, siya pa kaya na bestfriend ko? From: Tiarra. Baks, please naman sagutin mo na ang mga texts ko kasi nag-aalala na ako. Kumusta ka na ba? Nagtipa ako ng text na irereply sa kaniya. To: Tiarra. Bati na kami ni Elton. Iyon lang ang tinext ko at saka

