Chapter 24: Nang makauwi ako sa bahay, kaagad na hinanap ko si mama para alamin ang kasagutan sa tanong na talaga bang nag-i-sleep talk ako. Wala si mama sa kusina, wala rin sa usual spot niya sa sala at wala rin sa kwarto. Si Ate Demi pa lamang ang nasa bahay. Nanlulumong naupo ako sa sofa sa sala at saka pumangalumbaba. Dinukot ko iyong phone ko sa aking bulsa at saka tiningnan iyong recording na sinend sa akin ni Elton sa aking email. Gusto ko nang marinig iyong recording pero ayaw ko namang marinig muna. Gusto ko na munang malaman kung totoo nga ba ang sinabi ni Tiarra na nag-i-sleep talk ako. Kaya imbes na pakinggan na ang call recording, una kong tinawagan si Mama. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang totoo. "Mama!" bungad ko sa kaniya. "Ano 'yon? Nasa kalagitnaan ako ng pa

