CHAPTER 25: PIMPLE.

2081 Words

Chapter 25: Pimple. Umuwi kaagad si Tiarra matapos niyang mag-sorry sa pagkakatulak niya sa akin. Hahampasin ko pa nga sana e kaso sumakay na ng kotse nila. Hiyang-hiya talaga ako sa mga Kuya ni Elton, hindi ko naman alam na darating sila kaya hindi ko inagahan ang pag-uwi. Tapos ang sabi sa akin ni mama, mga limang beses na raw kumanta si Elton. Noong una ay pang-gitara pa ang mga kinakanta hanggang sa hindi na raw halos matonohan ng Kuya niyang si Hero ang sumunod na mga kanta. Matapos ng nangyari, pinapasok ni mama sila Elton sa loob ng bahay. Halatang tuwang-tuwa si mama dahil ang laki ng ngiti pero si Ate at si papa ay mukhang hindi natutuwa. Kaagad na pinaupo ni mama ang magkakapatid na Silvestre, sa kabilang sofa naman kami naupo nila papa. "Ilan pala kayong magkakapatid?" bun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD