Chapter 26: Reveal. "Balak sana kitang surpresahin. Binayaran ko siya para gawaan ako ng banner because I am planning to ask you to be my girlfriend." Iyon ang paliwanag ni Elton sa akin nang makaalis kami mula sa kahihiyan na nangyari. Nag-eskandalo lang naman ako sa may garden kasi akala ko may gagawin siyang milagro kasama iyong lalaking 'yon! Aba malay ko ba naman na may ganoon pala siyang gagawin? "Nalaglag kasi iyong planong ibibigay ko sana sa kaniya kaya pinulot ko lang, wala ka pa rin bang tiwala sa akin na nagbago na ako?" tanong niya sa akin habang nakanguso. Halata sa mukha niya ang pagtatampo. Nakakainis dahil ang cute niya pa rin kahit na mahaba na nang ganyan ang nguso niya. Hindi magkanda-ugaga ang barkada namin sa katetext sa amin nang mabalitaan nila ang nangyari, p

