Chapter 27: Kutob. Balak ko sanang ipagtanggol si Elton, pero hindi niya ako hinayaang magsalita. Marahang pinisil niya ang kamay ko na naging dahilan para matigilan ako sa plano kong ipagtanggol siya. "Oo, mahal ko si Diem." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi niya pa nasasabi sa akin nang harapan ang salitang mahal niya ako. Oo nasabi niya na gusto niya ako, pero magkaiba pa rin ang gusto sa mahal. That's why I don't know if I would believe him. "Really?" mapang-asar na tanong ni Renzo. Nag-angat ako ng tingin kay Renzo, he was looking at Elton intently like he wants to choke Elton to death. Para bang isang malaking sinungaling si Elton para sa kaniyang paningin. "How did you end up loving her if you are a gay?" Fourth asked again. Ibinalik ko na ngayon ang tingin ko kay E

